UPDATE: Pacquiao ilalabas na ng ospital

ILALABAS na ano mang oras mamayang gabi sa pagamutan si eight division world champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao .

Ito ang kinumpirma ng matalik na kaibigan ni Pacman na si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Ayon kay Chavit, stress at sobrang pagod umano ang dahilan ng pagkakaospital sa pound-for-pound king.

Nakatakda namang ilabas na ng pagamutan mamayang gabi ang kongresista,

Nabatid na noong nakaraang gabi pa dinala sa ospital si Manny pagkatapos ng kanyang game show sa isang TV network.

Makailang beses na ring isinugod sa ospital si Manny dahil sa problema sa sikmura at karamdaman dulot ng stress.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply