UPDATE: Patay sa tumaob na barko, 18 na

UMAKYAT na sa 18 ang naitatalang namatay mula sa 33 mangingisda na sakay ng tumaob na F/B Hope Christy habang dalawa na lamang ang nananatiling nawawala.

Ito ay makaraang marekober muli ang isa pang bangkay ng mangingsida ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa patuloy na isinasagawang retrieval operations.

Ang bangkay ay positibong kinilala ng kanyang mga magulang na si Joemar Labrador ng Barangay Libas,Roxas City, natagpuan sa bayan ng Balud.

Inihayag naman ni Solomon Alisasis ng Bantay Dagat-Roxas na patuloy pa rin ang retrieval operations na kanilang ginagawa upang mahanap ang dalawa pang nawawalang mangingisda.

Ang mga hindi pa nakikilang mga bangkay ay inaasahan namang darating sa lungsod ng Roxas ngayong hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply