UPDATE: Signal No. 4 itinaas sa Northern Cagayan

ITINAAS na sa signal No. 4 sa Northern Cagayan habang signal No. 3 naman sa Isabela, iba pang bahagi ng Cagayan, Calayan, Babuyan Group of Islands at Batanes Group of Islands.

Nananatili naman sa signal number 2 ang Northern Aurora, Quirino, Ifugao, Mt. Province, Kalinga at Apayao; samantalang signal No. 1 sa iba pang parte ng Aurora, Nueva Vizcaya, Benguet, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Abra.

Base sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyogn Mina ay may taglay na hangin na 195 kilometro kada oras habang may pagbugsong 230 kilometro bawat oras.

Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa 150 kilometro sa hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

Ito ay kumikilos pa rin ng pahilagang kanluran sa bilis na siyam na kilometro bawat oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply