UPDATE: Storm signal ibinaba na; 4 na ang nawawala

SA PINAKAHULING ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ay ibinaba na mula sa storm signal No. 4 sa signal No. 3 ang Northern Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Islands.

Nasa storm signal No. 3 din ang Apayao at Batanes.

Ibinaba na rin sa signal No. 2 ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao at Isabela habang nasa signal No. 1 naman ang La Union, Benguet, Pangasinan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino at Aurora.

Kaugnay nito, si Mina ay huling namataan dakong alas-kwatro ng hapon (Sabado, Agosto 27) sa layong 50 kilometers northeast of Aparri at kumikilos 7 kimometro pahilagang kanluran.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 165 kilometro kada oras at may pagbugso na umaabot 200 kilometro bawat oras.

Samantala, apat na ang iniuulat na nawawala, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa ginanap na press conference kanina.

Ang nadagdag na dalawa ay pawang magsasaka mula sa Ilocos Sur.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply