UPDATE: Suspek sa pagpapasabog ng convoy ni Mangudadatu natimbog na

NAHULI na ngayon, Huwebes, ang suspek sa pagpapasabog sa convoy ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Lunes.

Ang nahuling suspek ay kinilalang si Datu Karim Masdal, 33 anyos ng Guindolongan, Maguindanao na kinasuhan na ng double murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder.

Ayon kay Provincial Director Sr. Supt. Danilo Peralta ng Sultan Kudarat Police, maliban kay Masdal ay kinasuhan na rin ang isang JR Reyesna inginusong may-ari ng Kia Avila.

Si Masdal ay kasalukuyang nakapiit sa  Tacurong City Police Jail habang tinutugis pa rin ng pulisya si Reyes.

Samantala, nasi ni Mangudadatu na magkaroon ng malalim na imbestigasyon sa pangyayari upang mahuli ang tamang tao responsable sa krimen at para lumabas ang katotohanan.

Ani Mangudadatu, wala pa siyang balak na puntahan ang nakakulong ng si Masdal dahil may iba pa siyang inaalam na mga suspek sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply