Utak sa likod ng nawawalang container vans ipatatawag sa Kamara

BALAK ipatawag ng mga mambabatas sa kamara si “Boy Valenzuela” na siya umanong utak sa pagkaka-divert ng mga nawawalang container vans at siyang may koneksyon sa mga malalaking supermarket na pinagdalhan ng mga smuggled na kargamento.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na isang dating opisyal ng Bureau of Customs, kilala sa ahensya si Boy Valenzuela at ang tunay na pangalan nito ay Elvinario Valenzuela. Residente umano ito ng Taguig City at nagtamasa ng yaman sa maiksing panahon.

Inisa-isa ni Umali ang mga ari-arian ni Valenzuela tulad ng isang resort sa Silang, Cavite na tinatawag na Hacienda Elvinario, isang yate, mamamahaling sasakyan gaya ng Porsche Boxster, Hummer H2, Nissan Patrol at Toyota Hi Ace Grandia.

Ibinulgar din ni Umali na ang grupo ni Valenzuela ay nakikipag-kutsabaan sa mga tauhan ng Customs Operations na matatag na nakaluklok sa puwesto na may alam sa kahinaan at butas sa mga ruta na dinadaan ng mga transshipped imported goods. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply