Utak sa secrecy folder scam, boss na ng Comelec law dept.

TINUTULAN ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel II ang pagkakatalaga sa isang abogado na hinihinalang sangkot sa secrecy folder scam sa Commission on Elections (Comelec) noong nakaraang taon.

“Hindi ko maintindihan kung bakit itatalaga ng Comelec bilang hepe ng law department ang isang taong inakusahan na sangkot sa overprice secrecy folder na dapat ginamit noong nakaraang 201 elections,” ayon kay Pimentel.

Sinabi ni Pimentel na dapat sinuri muna ng poll body ang records ni Atty. Allen Francis Abaya bago itinalaga sa mataas at sensitibong posisyon sa Comelec.

“I’m afraid Atty. Abaya is damaged goods. His involvement in the secrecy folder scam raises the issue of moral turpitude. Can he perform the role of head of the Comelec law department without inviting questions about his capability to render just and fair decisions on election cases?” tanong ni Pimentel.

“Ang sinasabi ko, sa madaling salita, walang kredibilidad si Atty. Abaya na pangunahan ang law department ng Comelec,” giit pa ni Pimentel.

Sinabi pa ni Pimentel na kung gusto ng administrasyon na ibalik ang kredibilidad ng halalan, dapat purgahin ng Comelec ang ranggo nito laban sa korap at walang silbing opisyal.

Nakatakdang maghain ng resolusyon si Pimentel upang imbestigahan ang pagkakatalaga kay Abaya bilang hepe ng law department sa harap ng alegasyon na sangkot ang opisyal sa isang anomalya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply