VAT sa toll haharangin ng Senado

NAKATAKDANG harangin ng Senado ang desisyon ng Supreme Court na pumapayag na singilin ng 12 porsiyentong value added tax (VAT) ang kinokolektang toll ng mga tollway operator sa pamamagitan ng panukalang batas na inihain ni Sen. Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay Zubiri, layunin ng Senate Bill No. 2927 na amyendahan ang Section 108 at 109 ng National Internal Revenue Code sa pag-asang maibsan ang paghihirap ng mga motorista at komyuter sa gitna ng tumataas na halaga ng mga pangunahing bilihin, partikular ang mga produktong petrolyo.

”In order to ease the burden of motorists and the riding public in these times of rising prices of petroleum products and basic commodities, services rendered by tollway operators should be exempted from VAT,” ayon sa senador.

“Others believe that the imposition of VAT on tollways is double-taxation as a toll fee is already a levy being imposed on users of tollways,” ayon kay Zubiri.

Noong nakaraang Hulyo 22, nagdesisyon ang Supreme Court na puwedeng singilin ng VAT sa toll, na inaasahang aabot sa P1.3 bilyon na dagdag-kita para sa pamahalaan.

Pinagbasehan ang desisyon ng Korte Suprema sa petisyon na inihain nina dating Nueva Ecija Rep. Renato Diaz at dating Assistant Secretary Aurora Maria Timbol ng Department of Trade and Industry.

Sinabi ni Zubiri na dapat accessible ang lahat ng transport network at dapat itong tumugon sa kasalukuyang pangangailangan ng motorista.

”A seamless transport network is one of the drivers of economic development.  The said network should be one that is safe, efficient, reliable and coordinate in order to move people, goods and services,” anito. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply