Vendor inutas ng asawa bago nagpakamatay

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng 46-anyos na lalake ang kanyang misis bago nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas ng pulso at leeg kahapon ng madaling-araw sa Cardona.

Kinilala ni Rizal  PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang biktima na si Ernanita Haja, 52, fish vendor, ng Sta Ana st., Brgy. Calahan, nasabing bayan.

Arestado naman ang suspek na si Salvador Haja, karpentero, asawa ng biktima at residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 2:30 ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa anak ng mag-asawa na si Gibson, nagising siya sa ingay ng kanyang mga magulang at nang silipin ang kuwarto ng mga ito ay nakita niya ang ina na nakahandusay at tadtad ng saksak  habang hawak ng ama ang dalawang patalim sa magkabilang kamay at nilaslas naman ang pulso.

Narinig pa ng anak na sinabi ng ama na; “Sabay Kami ni Mama” bago ginilit pa ang kanyang leeg.

Agad na binuhat ng anak ang ina at isinugod sa pinakamalapit na ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Inaalam na ang motibo sa pagpatay ng suspek sa kanyang misis at tangkang pagpapakamatay nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply