Vice Ganda, Kris Aquino iniintriga!

PILIT na iniintriga ang closeness ngayon ni Vice Ganda at ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Unang intriga ay ang pag-uugnay sa kanila na baka sila ang magkatuluyan since pareho silang walang karelasyon.

Lalaki pa rin daw talaga ang  type ni Vice at pure friendship lang sila ni Kris pati na ang isa pa nilang friend, ang stylist na si Liz Uy. Sa nakaraang episode ng Kris TV, sinabi ni Vice na ‘baby’ ang turing niya kay Kris. But it doesn’t mean na pwede silang magkarelasyon na may romantic angle.

“Can you imagine habang binubuksan ko ang zipper ng pantalon ko at makita niya ang bird ko, tatawa lang siya, ‘Ha. Ha.Ha,’ na tonong Kris Aquino ng pagtawang ginaya ni Vice sa presscon ng Globe’s SUPERUNLIALLTXT25 ng Globe prepaid na pwede nang gamitin sa lahat ng networks.

Kwela ang pagkakasabi nito ni Vice sa presscon pero iba na siyempre ang dating kapag  nalipat-lipat na. Gaya nga sa nagkalat na messages ngayon sinasabi na kapag si Vice ang nag-deliver ng line na may pagka-sarcastic hindi offensive ang dating. Pero kapag iba na, naiiba na rin ang interpretasyon.

Nagpaliwanag din si Vice sa kumalat na isyu na sinabihan niyang mabaho ang paa ni Anne Curtis.

“Biru-biruan lang namin ‘yun sa show. Ako nga lahat na lang sa akin mabaho. Bunganga ko, kili-kili ko, paa, lahat,” diin ni Vice.

Hindi raw sila nagkakapikunan sa morning show nila nina Anne dahil umiikot naman ang biruan nila.

“Lahat nilalaglag. Hindi naman ‘yung ako lang lagi ang naglalagalag, ako lang ‘yung nilalaglag. Ikutan, e. Isa ‘yun sa mga bagay na hinahanap sa amin, ‘yung ine-enjoy ng mga tao sa ‘Showtime.’ Kapag hindi kami nag-ganu’n, ‘Ay, ang bagot. Hindi sila naghaharutan,” kwento pa niya.

Pero mabaho nga ba ang paa ni Anne?

“Hindi, walang amoy. Walang mabaho sa amin. Ako lang ata, haha!”

***

CUTE ang interbyu ng “Growing Up” lead stars na sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Diego Loyzaga at Daniel Padilla sa “The Buzz” last Sunday. Binuking kasi sina Diego at Daniel ng kanilang respective celebrity moms na sina Teresa Loyzaga at Karla Estrada. Nakabibilib naman para sa amin ang bagets na look-alike ni Claudine Barretto na si Julia. Breadwinner si Julia sa pamilya niya kaya ‘di kataka-taka na priority niya sila. Nagmamadali na raw siya na maging mature para mas makatulong siya sa pamilya niya.

Siya na raw ang nagpapa-aral sa mga kapatid niya since matanda na ang lola nila na siyang nagpalaki sa kanila’t sumusuporta.

“Kasi mama ko deaf-mute and hindi naman siya makapag-work. Kaya ako na ‘yung nagiging ate and mommy na rin nila,” sabi pa ni Julia.

Anyway, ang Growing Up ay magsisimula na sa September 4, Sunday, pagkatapos ng ASAP Rocks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply