Vice Ganda tilam-tilam pa rin kay Jon Avila!

KLINARO ni Vice Ganda ang ‘di niya pagdating sa presscon ng Globe. In-expect kasi ng members of the press si Vice sa presscon dahil siya naman talaga ang laman ng  invitation ng Globe.

“Nasa  (US) Embassy ako. Pagkatapos noon may dalawang photo shoots ako. “Dapat nandu’n ako sa Globe presscon. Ako dapat ang magi-introduce kay Gerald Anderson (bagong celebrity endorser ng Globe). Pero hindi ko talaga alam na presscon ko ‘yun. Ang alam ko lang talaga i-introduce ko lang si Gerald. Kaya lang siyempre hindi ko pwedeng ikalat na ila-launch si Gerald,” pahayag ni Vice.

In fairness, mismong ang Globe executive na si Charo Logarta ay ipinaliwanag sa amin na talagang magsasalita lang si Vice through VTR dahil alam nila na may schedule siya sa US Embassy para sa kanyang working visa. Nandu’n naman sa presscon ng Globe ang endorser din nila na si Sarah Geronimo.

Hindi naman aware si Vice na tinawag siyang ‘insekto’ ng host ng Eat Bulaga na si Joey de Leon. Kaya tuloy ‘di makapagbigay ng comment si Vice tungkol dito. Hula ng iba baka raw pini-personal ni Joey si Vice sa pagkakatanggal ng show nila ni Mel Tiangco sa GMA7 for so long.

Isa pa’ng di masagut-sagot ni Vice na isyu ay ang balitang nagbantay siya kay Jon Avila sa hospital nu’ng magkaroon ng sakit an dengue.

***

DINALAW naming muli ang aktor na si Joseph Bitangcol sa ospital sa may Marikina City. Nabawasan na nang konti ang pamamaga ng kanyang mukha especially ‘yung bandang left side. Naididilat na ng konti ni Joseph ang kanyang kaliwang mata.

Prinesyuhan na pala sila na mahigit P200,000 ang halaga ng metal plates na ilalagay sa kanyang mukha. Wala pa rito ang bayad nila sa doctor at bills nila simula nu’ng ipinasok siya sa ospital. Hindi alam ni
Joseph at ng kanyang pamilya especially his Mommy Lydia kung saan sila kukuha ng ganu’n kalaking halaga.

Although, may isang option na dumating sa kanila. At ‘yun ay si Dr. Jay Recasata ng Faces and Curves, ang beauty clinic na ini-endorse ni Joseph. Si Dr. Jay ay certified surgeon at specialty niya ang mukha.

Sisiw lang daw rito ang gagawin niyang pag-aayos sa mukha ni Joseph once the family decides na siya na ang magpe-perform ng operasyon sa aktor. Pero bago gawin ‘yun kailangan muna syempre i-endorse ng mga doktor ni Joseph sa Marikina ang actor kay Dr. Jay.

That same night, nabuo ang benefit concert para kay Joseph titled “Coming From The Heart,” an all-star cast na gagawin sa Zirkoh Concert Bar sa T. Morato ngayong Linggo, August  21, 10 pm. Ticket prices are at P1,000 at P500. Lahat ng kikitain sa show ay ibibigay kay Joseph.

Tinanong namin si Joseph kung nakarating na ba sa ex-girlfriend niyang si Sandara Park na mas kilala ngayon bilang si Dara sa Korean group na 2NE1 ang nangyari sa kanya.

Tumango si Joseph at nagsabi rin ng pag-aalala sa kanya. Biniro nga namin siya na baka umuwi ng Pilipinas si Sandara just to visit him at malay natin baka mag-perform pa sa benefit concert niya, huh?

Mas bongga kung kasama pa niya ang buong 2NE1 group. O, bakit? Hindi naman bawal ang mangarap, ‘no?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply