Video clips ng dinukot na 4 BJMP, ipinalabas

NAGPALABAS ang New People’s Army ng video clips ng apat na dinukot na jail personnel bilang patunay sa mga pamilya ng mga biktima na sila ay ligtas at umaapela sa militar na ihinto ang pagkasa ng rescue operations para ang kanilang buhay ay hindi malagay sa panganib.

Matapos ang halos 1 buwang pagdukot ng mga rebelde, ang mga bihag na sina jail guards Murphy Todyog, Erico Llamares, Rogelio Begontes, at Rolando Bajoyo Jr. ay lumabas sa isang maikling video clips, para iparating  sa kaniling pamilya na huwag mag-alala at iparating sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mabilisang pagpapalaya sa kanila kaya dapat ihinto na ang pagkasa ng rescue operations.

“To the Armed Forces, although that is their job, we are appealing that you give way to the negotiation so that the process of our release will not be delayed,” pahayag ni Todyog.

“To my family, don’t worry, I’m okay here. Just wait for our return,” sambit ni Llamasares.

“To the government, I appeal that the military operations be stopped to expedite our release… I believe that the military operations have caused the delay of our release, please give way for our release,” dagdag pa ni Llamasares.

“I call on my family not to worry because we’re okay here,” pahayag naman ni Begontes. “To the government, we appeal for our immediate release because our families need us. To the negotiators, I hope they will exert more effort to expedite our release,” aniya pa nito.

Maalalang ililipat ng apat na personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP ) ang ilag bilang ng convicted prisoners mula sa Ozamiz City patungo sa Davao penalty nang harangin ng mga rebelde na nagpakilalang mga sundalong nagmamantine ng isang checkpoint sa Bukidnon noong Hulyo 12.

Sinagip ng mga rebelde ang isa sa kanilang kasamahan na si Dennis Rodenas, na inihayag nilang pinarusahan ng hindi tama ng Misamis Occidental court sa kasong hindi naman nito ginagawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply