Vietnam naka-alerto sa HFMD

INILAGAY na sa alerto ni Vietnamese Prime Minister Nguyen Tan Dung ang Vietnem dahil patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga namamatay sa hand, foot and mouth disease (HFMD).

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 32,000 ang naitalang kaso ng HMFD sa Vietnam kung saan 81 dito ang namamatay.

Naitala ang pinakamaraming kaso sa katimugang bahagi ng naturang bansa.

Dahil dito, nananawagan ang Prime Minister doon na lalo pang paigtingin ang kampanya para masugpo ang paglaganap ng sakit.

Ayon sa World Health Organization, matindi na ang strain ng HFMD sa Vietnam na kanilang naitala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply