Villar duda sa suicide ng OFW sa Kuwait

DUDA si Sen. Manny Villar sa pagkamatay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait kaya inatasan nito ang Department of Foreign Affairs (DFA) na imbestigahan ang insidente.

Base sa nakarating na impormasyon sa tanggapan ng Saigip OFW Helpline, isang foundation ng tanggapan ni Villar, tumalon umano sa ika-walong palapag ng tinitirhang apartment ng boyfriend ng biktimang si Juvy Montesoso noong Hulyo 5, dakong alas nuwebe ng umaga.

Nakilala ang boyfriend ng biktima na isang Thomas Melliken, miyembro ng US Army na nakatalaga sa Kuwait.

“Hindi po kami naniniwala na magpapakamatay siya. Nagpadala pa siya ng pera para sa anak niya at nag-usap pa kami nung gabi,” ayon kay Rochelle, kapatid ng biktima.

Dahil dito, inatasan ni Villar ang DFA sa pamamagitan ng liham kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, na humihiling sa ngalan ng pamilya ni Montesoso na magsagawa ng imbestigasyon ang ahensiya upang matukoy ang tunay na sanhi ng kanyang kamatayan.

“Sa ngayon nasa Kuwait pa ang kanyang labi, at kung tutulong ang ahensiya sa pagpapabalik ng kanyang bangkay, mas makabubuti,” ayon kay Villar sa kanyang liham na may petsang  Agosto 17, 2011.

Nalaman ni Villar ang kaso ni Montesoso sa kanyang pagbisita sa Cebu City noong nakaraang linggo para dumalo sa Global CRS Summit na kung nakipagkita ang kapatid ni Juvy na si Rochelle sa istasyon ng radyo, ang DYHP-RMN Cebu.

Nagsimulang magtrabaho si Juby sa Kuwait bilang domestic helper noong 2008.

Pagkatapos nito, naging receptionist siya sa Fintus Hotel sa naturang bansa.

Nitong nakarang Hulyo, Nakatanggap ang kanyang pamilya ng masamang balita.

Tiniyak naman ni Villar kay Rochelle na tutulungan niya ang pagpapabalik sa labi ni Juvy at tutulong din sa edukasyon na anim na taong gulang na anak na babae na naiwan nito. Sinabi ni Rochelle kay Villar, na hindi pa nalalaman ng anak ni Juvy na pumanaw na ang kanyang ina.

Kaagad inatasan ni Villar ang Sagip OFW Helpline na magbigay tulong sa pamilya ni Juvy at tiyakin ang pagpapabalik sa labi ng biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply