VK sa Quezon City ‘di kayang tibagin ng PNP

HINDI raw kayang tibagin sa lungsod ng Quezon ang mga video-karera ni alyas Dacne dahil siya ang kinikilala ngayon na hari ng  sandamukal na VK na naka-umbrella sa kanya.

Malakas si alyas Dacne sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD)  dahil sa malakas din umano siyang maglangis sa district director rito na si QCPD Dir. Chief Superintendent George Regis.

Halos lahat ng sulok ng nasabing lungsod ay nalatagan na ng mga makina na naka-umbrella kay Dacne.

Ibang klase kasi kung maglangis ang nasabing VK operator dahil abot hanggang langit ang kanyang padulas sa lahat ng unit ng kapulisan ng QCPD hindi pa kasama diyan ang Quezon City hall.

Walang pinipili ang mga manunugal ng VK ni Dacne. Ultimo mga estudyante, adik, matanda at mga out of school youth ay nagugumon na mag-video-karera sa pagbabakasakaling mapalago ang konting barya sa bulsa.

Inutil sa dilang inutil ang pamunuan ng QCPD sa talamak na  operations ng  mga VK ni Dacne.

PERYAHAN PRONTA NG PASUGALAN

Walang katinag-tinag at kahit bumabagyo ay patuloy ang operasyon ng peryahan na “front” ng iligal na pasugalan ni Jessica sa Brgy. Tugatog, Meycauayan at Brgy. Tuktukan, Guiguinto (along McArthur Highway) sa lalawigan ng Bulacan.

Namamayagpag naman ang peryahan ni Lourdes sa Brgy. Sto. Cristo (along Maharlika Highway), Pulilan, Bulacan.

Sa Brgy. San Nicolas, Bulacan, Bulacan ay matatambad ang peryahan naman ni Badong na kung saan ay kahit nakikita na ng alkalde sa bayang ‘yan ay hindi ito ginigiba.

Malakas kasi si Badong kay Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses kaya hindi ginagalaw ang peryahan nito kahit front siya ng iligal na pasugalan.

oOo
Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 091892-74764,09266719269 o e-mail sa juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply