Wala munang balasahan– PNoy

WALA munang magaganap na balasahan sa Gabinete ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III pagkatapos ng pagbibitiw ni Tourism Secretary Alberto Lim, dahil nais ng Pangulo na magtuluy-tuloy ang trabaho ng kanyang mga opisyal.

Matatandaan na naihayag noon ni Pangulong Aquino na tatlo sa kanyang Gabinete ang umano’y nagpapasakit ng kanyang ulo at ika nga ng Pangulo ay puro bad news ang dala.

Hinala ng marami na isa si Lim sa binanggit ni Pangulong Aquino na nagpapasakit ng kanyang ulo.

Samantala, matunog na rin ang ilang mga pangalan na ipapalit sa nabakanteng puwesto ni Lim ngunit hindi pa nakapipili ang Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply