Walang bagyo sa loob ng 2 hanggang 3 araw

WALANG senyales ng anumang namumuong bagyo sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, Martes ng umaga.

Ayon sa kanilang Twitter account, sinabi rin ng PAGASA na makakaasa ang publiko na ang panahon ay gaganda simula bukas, Miyerkules.

Nang tanungin kung may tiyansang bumuhos ang ulan, sinabi ng PAGASA na baka magkaroon ng pagbuhos ng ulan sa hapon at sa gabi pero gaganda na ang panahon simula bukas.

Sinabi ni PAGASA forecaster Meno Mendoza na ang Tropical Storm Mina (Nanmadol), na nanalasa sa northern Luzon nitong nakaraang linggo ay nasa pagitan na ng Taiwan at China.

Pasado alas-10 Martes ng umaga, si Nanmadol ay nasa layong 440 km hilaga-kanluran ng Basco, Batanes.

Pero aniya sa kabila nito ay bubuhos pa rin ang ulan sa ilang bahgai ng bansa sanhi ng ekpekto ng southwest monsoon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply