Walang balak gayahin si Binoe!

NAG-LAST taping daw na ang “Utol Kong Hoodlum” ni JC de Vera noong Sabado ng gabi. At ipalabas na ito sa September.

Ibang atake ang ginawa ni JC De Vera dito at wala siyang effort na gayahin ang acting at mannerisms ni Robin Padilla. Hinayaan na lang daw niya ang Bad Boy image kay Binoe at gumawa siya ng sarili niyang identity.

Dahil na rin sa dami ng stunts at action routines na ginawa niya sa teleseryeng Utol ay naaksidente siya minsan at kinailangang i-rush sa ospital dahil sa pagkakabale ng balikat niya. Pero madali namang naghilom ang injury niya kaya natapos niya ang teleserye nila on time. Ang dami niyang kalaban dito, sina Jay Manalo, Carlo Aquino, Ramon Christopher at Anton Bernardo.

Wala naman siyang masabi sa ganda ng ka-loveteam niya dito na si Jasmine Curtis Smith. Pero hanggang friends lang daw sila nito dahil going strong pa rin ang relasyon nila ni Danita Paner na one year and a half na.

Nagkita raw sila ni Robin mismo nang hindi sinasadya sa Taste of LA resto two months ago. At binigyan na raw sya mismo ng basbas ni Binoe sa paggawa niya ng Utol. Nakiusap lang ito na huwag isasabay ang labas ng Utol sa Guns and Roses na kasalukuyang ipinalalabas sa ABS-CBN.

“Kaya nga pinauna na naming ipalabas ang Bangis at The Sisters sa TV5. Pero this September ay tuloy na tuloy na ang pag-ere ng Utol,” kwento ni JC.

oOo

NAGSIMULA na last Sunday ang Season 2 ng Bagets ng Viva at TV5. Yes, nag-click sa mga viewer ang Bagets kaya naman tuluy-tuloy pa rin ang adventures nina Aj Muhlach, Josh Padilla, Aki Torio at Rico dela Paz (wala na si “Santi” kasi nag-beg off na ito sa Season 2 kasi mag-aaral daw ito). Balitang mas mataas pa raw ang ratings nila sa”Good Vibes” ng ABS-CBN na malapit nang palitan ng “Growing Up,” ang bagong show nina Kathryn Bernardo at Julia Montes ng matagumpay na “Mara Clara.”

Wala namang dapat ikabahala ang “Bagets” kung saka-sakali dahil magkaiba naman sila ng timeslot ng Growing Up which will be aired earlier. Anyway may bago naman silang pambato in the person of Imee Hart na discovery ni Willie Revillame sa Willing-Willie pa dati.

Imee is a 16-year-old Fil-German mestiza na sumali noon sa isang pa-contest ng Willing-Willie. Nagustuhan siya ni Willie at inoperan siyang mag-co-host ng show. Eventually ay napanood naman siya ni Vic del Rosario ng Viva at inoperan siya na maging bahagi ng Bagets. Pumayag naman si Willie. Si Hart ang magiging bagong ka-loveteam ni AJ Muhlach sa show. At siyempre pa, hinihintay rin ng lahat ang pag-guest ng kuya niyang si Aga Muhlach!

Nasa SM Bacoor ang buong Bagets group on Aug. 28, 2pm para sa kanilang Bagets Nation Mall Tour.

oOo

NAGSANIB pwersa sina Vic del Rosario ng Viva at si Direk Carlo J. Caparas para itayo ang Caparas Studios, isang bagong production outfit na magsasapelikula ng 50 blockbuster komiks novels ni Direk Carlo tulad ng Rosenda (Sarah Geronimo), Tasya Fantasya (Anne Curtis), Dalawang Kagat sa Mansanas (Cristine Reyes), Paano Hahatiin Ang Puso (Aga Muhlach), Angela Markado (Sam Pinto) at marami pang iba.

‘Yung ibang titles ay balak nilang gawing teleserye sa TV5. Pero kung si Donna Villa ang masusunod, mas gusto niyang gumawa ng pelikula kaysa mag-produce ng isang teleserye. Mas mabilis at mas malaki raw kasi ang kikitain sa pelikula kaysa sa TV. Sa TV raw kasi ay limitado ka lang sa number of commercials na allowed ng PANA samantalang kapag pelikula bongga ang magiging profit kung blockbuster ang movie mo.

Kung si Tita Donna raw ang masusunod gusto niyang mag-release ng bagong movie every month (tulad ng Star Cinema) para mas maraming trabaho rin ito sa lahat ng mga taga-industriya. Kaya nga nagbubunyi na naman ang press at mga taga-pelikula ngayong aktibo na naman ang mag-asawang Direk Carlo at Tita Donna!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply