Walang nangyayari sa mga sikat na bayani

ANG dami-dami nating sikat na bayani pero wala naman yatang nangyayaring maganda mula sa kanila, Suki?

Nang minsan nating ginunita ang kamatayan ng isa sa mga pinaka-dakilang bayani natin, isa lang ang ating napansin.

Hindi na dila ni Padre Damaso ang narinig nating gumagana sa kaniyang mga apo kundi dila ni Uncle Sam.

Hindi na yata alam ang mangastila ng mga apo ng bayaning yun.

Sa Islang siya magaling sa pagiging prawd sa kanyang lolong bayani.

Sa pamamagitan ng wikang Kastila, inabot ang repablik ni Juan ng  333 taon bago ito nakalaya sa kamay ni Padre Damaso.

Ngayon nama’y mahigit nang 100 taon tayong bilanggo ng wikang Islang.

Aabutin din kaya tayo ng panibagong 333 taon bago tayo ganap na makalaya sa kamay ni Uncle Sam?

oOo

Kahapon, ginunita naman natin ang kamatayan ni Ninoy na isa sa mga naging mitsa ng paglaya natin sa kamay ng diktadurya.

Op kors, may nangyari sa ngalan ni Ninoy, lalo na nang sumiklab ang pag-aalsang EDSA 1.

Pero ang tunay na may gawa ng EDSA ay ang milyon-milyong bayani at hindi ng iilang pulitiko.

Bumalik ang ilan nating kalayaan gaya ng sa pamamahayag at karapatan ni Juan na pumili ng ilang lingkod-bayan sa pamagitan ng halalan.

Pero walang nagbago sa ating buhay-buhay.

Nananatiling Hacienda Luisita istayl ang ekonomiya ng repablik ni Juan.

Ang milyon-milyong  mahihirap ay nananatiling mahirap at ang iilang mayayaman ay nananatiling mayaman.

Minamasaker pa tayo ng mga kompanya ng langis, ng mga nagpapairal ng kontraktuwalisasyon, ng gutom at kahirapan at ng manhid na pamahalaan.

Ano ba yaaaannn!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply