Watch list ni GMA babawiin depende sa request

BABAWIIN ng Department of Justice (DoJ) ang paglalagay sa watchlist kay dating Pangulong Gloria Arroyo depende sa request.

Ani Justice Sec Leila de Lima, depende sa request sa kanilang sangay ito ay makaraang tukuyin ng Malacañang na ipinauubaya na nila sa DoJ ang usapin tungkol sa pagkakalagay ni Arroyo sa watch list ng Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni De Lima na ang isusumiteng formal request sa kanyang tanggapan ang gagamiting batayan kung ano ang kaukulang aksyon na dapat nilang gawin.

Tinukoy pa ng kalihim na masusi niyang pag-aaralan ang mga ilalaang basehan ng konsiderasyon sa kahilingan bago siya magpalabas ng desisyon.

Ang pagbawi ng WLO ay lumutang ngayong naka-confine na naman sa ospital ang dating pangulo at nakatakdang sumailalim sa ikatlong operasyon sa cervical spine sa mga susunod na linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply