Watchlist kay GMA seryosong panggigipit

SERYOSONG panggigipit umano kay dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakalagay nito sa watchlist ng Bureau of Immigration.

Ito ang tahasang sinabi ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez sa lingguhang press conference ng oposisyon sa Kamara.

“The timing is so bad. This is a very serious case of harassment.

Masama iyan sa pasyente,” ani Suarez.

Giit ni Suarez na mismong si GMA na ang nagbigay ng garantiya na hindi siya aalis ng bansa at handa niyang harapin ang lahat ng kasong inihain laban sa kaniya.

Aniya hindi makabubuti para sa isang pasyente na sasailalim sa operasyon ang magkaroon pa ng ibang aalalahanin.

Magugunitang ang pagkakalagay ng pangalan ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa watchlist ay bunga ng kahilingan ng Senado dahil sa isinasagawang imbestigasyon samantalang si GMA naman ay nalagay sa watchlist bunga ng mga kasong nakahanda sa Ombudsman matapos itong ipag-utos ng Department of Justice.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply