Watchlist order vs FG ilalabas na ng DOJ

ILALABAS na ngayong araw, Huwebes ng Department of Justice (DOJ) ang watchlist order laban sa kay dating First Gentleman Mike Arroyo.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, natanggap na nila ang kahilingan ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa usaping ito.

Nakapaloob sa watchlist order ang kautusan sa mga airport authority na agad ipaalam sa DOJ at Senado oras na nakabalik na sa bansa si Arroyo na kasalukuyan ng nasa Hong Kong kung saan ito nagpapatingin ng kanyang sakit sa puso.

Una rito, inimbitahan ng Senado ang dating First Gentleman sa kanilang imbestigasyon matapos ituro ng dalawang testigo na siya umano ang nasa likod sa bentahan ng dalawang segunda-manong helicopters sa Philippine National Police (PNP) sa presyong brand new.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply