Watchlist order vs Garci iniutos ng DoJ

IPINAHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na pinirmahan na niya ang watchlist order (WLO) laban kay dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Virgilio Garcillano.

Ang pagpapalabas ng nasabing kautusan ay upang matiyak ang presensiya ni Garcillano sa mga imbestiagsyon na isasagawa.

Magugunitang una nang sinabi ng dating poll official na hindi na siya dadalo sa gagawing imbestigasyon ng DoJ-Comelec probe team kaugnay sa 2004 at 2007 election fraud dahil nasabi na niya ang lahat sa mga nakaraang Congressional inquiry.

Sa kabila nito, nilinaw ni De Lima na hindi nila pinipigilan ang galaw ni Garcillano, kundi ibig lamang nilang ma-monitor dahil potential witness o resource person pa rin ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply