Welder kritikal sa saksak, palo

KRITIKAL ang isang welder matapos itong pagtulungang saksakin at paluin ng dalawang kalalakihan  ng magkita sa isang  lamayan ng patay Lunes ng madaling araw, Agosto 29,  sa Barangay Potrero, Malabon City.

Ang biktima na nakaratay at ginagamot  sa Fatima Medical Center sanhi ng tinamong malalim na saksak sa dibdib at mga  palo sa ulo ay nakilalang si Marvin Ilaw, 27.

Ang mga suspek na tumakas ay nakilala lamang sa mga alyas na Tonio at Linar, pawang nakatira sa Macopa st., Barangay Potrero, ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, ganap na 1:00 ng madaling araw nang magkaroon ng rambulan ng magkita ang mga ito sa isang lamayan ng patay sa nasabing lugar.

Agad nagbunot ng patalim si Linar at sinaksak sa dibdib si Marvin  habang si Tonyo naman ay dumapot ng bangko at agad na inataw  sa ulo ng biktima .

Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang mga suspek habang ang duguang biktima ay agad naming dinala ng kamag-anakan sa nasabing pagamutan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang tunay na motibo at isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa mga suspek. Roger Panizal

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply