Wenn Deramas apektado sa movie nina Ai-Ai, Bossing Vic Sotto

NAGSALITA na si Direk Wenn Deramas sa tunay niyang nararamdaman sa paggamit ng ‘Tanging Ina” sa filmfest movie nina Ai-Ai delas Alas at Vic Sotto. Inurirat siya sa press visit ng shooting ng pelikulang ‘Private Benjamin’ na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Derek Ramsay.

“Hindi ako ready dito,” bungad niya nang tanungin ang isyung nagtatampo siya.

“Paano ba ‘yun? Kasi pumayag po akong makipag-usap kay Tita Malou (Santos) kaya may meeting po kami, (ngayong Huwebes, August 4)  kaya dun lang maki-clear ang mga bagay-bagay. Lahat ng mga katanungan ay parang doon pa lang magkakaroon ng mga kasa -gutan,” sey niya.

Ano ang mga katanungan na ‘yun direk?

“Bakit? Paano? Saan? Ano? hahahaha,” sagot niya.

Puwede kayang i-elaborate ni direk dahil  hindi namin masyadong naiintindihan ang mga pangyayari?

“Kasi nu’ng time na may inalok sila sa akin, meron na silang dapat na agawin..paano ba? Basta nagkaroon na ng idea na pagsamahin si Vic at si Ai-Ai para sa filmfest. Ang unang nakarating sa akin, original concept of Tony Y. Reyes, so siyempre, respeto..o inyo po ‘yan. Bigla na nagkaroon ng pagpapatawag sa manager ko na si Tito June (Rufino) na ako na raw ang magdidirek.

“May bago na namang concept na gandang-ganda ako, na ang sumulat si Mel Del Rosario ulit, nakarating sa akin ‘yun so nag-discuss kami ni Mel. Sabi ko kay Tita June, ikaw ang bahalang magdesisyon, kailangan ko bang gawin kasi may ginagawa pa akong  ‘Private Benjamin’. Sabi niya, oo naman..Vic Sotto ‘yun. After two days, tinanggap namin pero after two days, binawi.

“I think, ’yun ang nakarating sa akin, mas gusto ni Vic Sotto ‘yung isang concept with Tony Y. Again, nirerespeto ko si Vic Sotto sa larangang yan dahil kaya niyang ipagtanggol ang kanyang director, di ba? Walang isyu kasi original concept, kanila ‘yun.

“Pero awards night ng Star Awards, habang kinakaba-kabahan pa ako, sabi ni Uge (Eugene Domingo) nasa Resorts World tayo, di ba?  Sabi ko nagugutom ako, sabi niya, bumaba ka dito kumakain ako. So, bumaba ako, tinreat niya ako kasama si Tess Fuentes ng Star Cinema. Habang kumakain kami, sabi ni Uge, Tess kasama ba ako dun sa Enteng- Ai Ai? Sagot niya, siyempre, kasama ‘yung bestfriend.

“Sabi ko, o, e, bakit naman, bestfriend na nga siya sa ‘Tanging Ina…,’ bestfriend pa siya dito. Sabi ni Uge… ‘Tanging Ina’ ito. Dun ako nanghina kasi, walang nagsabi sa akin na ‘Tanging Ina’ yun. Paano magiging original concept kung ‘Tanging Ina’? Wala pong nag-inform sa akin nang maayos dahil ang ipinadirek sa akin ay ibang konsepto. So, wala sa hinagap ko na gagawin pala nila ay ‘Tanging Ina meets Enteng.’ Siyempre po, kahit kayo, hindi puwedeng  hindi sumama ang loob ninyo. Nanghina ako. Kahit tumanggap na ako ng award nalilito ako. Masasaktan ba ako o maliligayahan? Pag-uwi ko ng bahay, hindi ako makatulog, hinahaplos-haplos ko ‘yung trophy ko.. Pero at the back of my mind parang, bakit? Bakit, Akin ito, e? Parang ganoon na sinasabi ko nga sa kanila, o, last na ‘yun, ha! Na makulit naman ako diyan. Simply because wala naman akong nakikitang kuwento dito sa Last na ‘To. Well, kung makakaisip tayo ng maganda at reunion movie, why not? Pero until na hindi tayo nakakaisip, last na ‘yan.’Yun ang panukalang batas ko diyan.”

Nagtawanan na lang sa pasenyas na reaksyon ni direk kung papayag ba siyang dalawa na lang silang magdirek ni Tony Y ng naturang pelikula.

“Kung ikaw si Wenn Deramas, papayag ka?,” sagot niya.

“Kasi nga ‘yung ‘Tanging Ina,’ nanay ko ‘yun,e! Hindi ko naman nililihim sa lahat na ang characterization ni Ai-Ai dun ay nanay ko although wala naman kaming doseng magkakapatid, hindi naman siya nagpapalit-palit ng asawa pero ‘yung tema ng comedy at drama, nanay ko ‘yun, e!”

Nairehistro ba ni Direk ang ‘Tanging Ina’? Meron ba siyang right para habulin ito?

“Hindi ko kailangan ang ganoon. Kasi, hindi ko naman alam na mangyayari sa akin ito. Hindi ako nakikipaglaban. Actually, ibinigay ko na nga nang buong-buo na nu’ng malaman na nila ang galit ko, nalaman na nila ang sama ng loob ko at ayaw ko na..at may iba na akong tinanggap sa Viva na isusunod ko saka nangyari ang ganitong talk.

“ Wala na ‘yung sama ng loob ko pero ‘wag na ipilit sa akin na gawin ‘yung kalahati ng pelikula. Siguro naghanap lang ako ng mala-Vic Sotto na  concerned dun sa… nu’ng sinabi ni Vic na ‘no..Tony Y. Reyes’ siguro naghanap lang ako ng ganun sa parte naman nila. Pero sabi nga ni Tita Malou, mag-usap kami kasi nangyari daw ang lahat ng ito ay nasa Amerika siya na totoo naman. Nu’ng naghahanap ako ng kasagutan nasa Amerika naman talaga si Tita Malou,” aniya pa.

Hindi ba sumama ang loob niya kay Ai-Ai na hindi siya ipinaglaban?

“Hindi. Kasi kilala ko si Ai-Ai. Kambal kami niyan. Pag may gusto ‘yan, gusto niya. Kahit harangin ng sibat ‘yan kaya intindi ko ‘yung ugaling ganoon so paanong sasama ang loob mo,e, naiintindihan mo nga na pag may gusto si Ai-Ai, kahit ano ‘yan, tutuloy ‘yan,” deklara pa niya

“Pero,  hindi naman natin alam, baka siya naman ang nag-request na idirek ko ‘yung ‘Tanging Ina’ part dun sa pelikula.”

Paano kung offer-an siya ng  cash para gamitin ang ‘Tanging Ina’?

“1.2 billion. Billion. Parang si Manny Pacquiao lang ang may billion. Joke lang. Basta ang sabi ko, once na hinawakan na ng iba ‘yung Tanging Ina, kahit ano pang magandang kuwento na lalabas diyan, hindi ko na mahahawakan, ituloy na nila,” deklara pa niya.

***

MALUNGKOT ang pasok ng linggo para sa komedyante ng The Biggest Loser Pinoy Edi- tion na si Eboy Bautista matapos pauwiin mula sa Biggest Loser Camp noong Lunes (Agosto 1).

Bukod sa sakit mula sa pagkakaipit ng kamay noong ice plant challenge, ininda rin ni Eboy ang sakit ng pagkatalo dahil siya ang ibinoto ng mga bigating Pinoy na lumabas ng camp noong elimination ceremony.

Gayunpaman, tuloy ang laban ni Eboy, na isa sa pinakamabigat na contestant sa kasaysayan ng Biggest Loser sa mundo.

“Marami pa sana akong matutunan. Pero bukod sa pagkakatanggal ko wala akong pinagsisisihan. Nagkaroon ako ng 15 bagong kaibigan at ‘yung mga pinagdaanan ko sa loob, ‘yung sakit ng katawan at aksidente sa kamay, hindi ko ipagpapalit sa kahit ano pa,” pahayag ng 33 anyos na restaurant owner.

Sa kasalukuyan ay abala raw siya sa pagbabahagi ng mga natutunan niya tungkol sa tamang pagkain at ehersisyo sa kaniyang pamilya at mga kaibigan. Nais daw niyang patunayan na walang imposible kahit sa mga overweight tulad niya.

Kaya naman matapos magbawas ng kabuuang 97 lbs. sa loob ng camp, puspos pa rin ang pagtutok ni Eboy sa kaniyang timbang sa kaniyang tahanan.

“Hindi lang ako ang masustansya kumain. Ngayon buong pamilya ko rin,” ibinida pa niya.

Samantala, ibang klaseng training ang haharapin ng mga nalalabing bigating Pinoy na sina Andy, Angela, Art, Hazel, Larry, Leigh, Raffy, Ryan, at Winwin. Mula Biggest Loser camp, inilipat sa isang military camp ang siyam upang sumailalim sa training kasama ang Marines.

Kayanin kaya ng mga bigating Pinoy ang kanilang military training? Abangan din ang maaksyong big challenge kasama ang gamemaster na si Derek Ramsay kung saan sasabak sila sa isang mala-“balikatan exercises” na pagsubok para makuha ang immunity sa darating na weigh-in.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply