Winning streak ng Blue Eagles lalagutin ng Tamaraws

ALING team kaya ang makalalagot sa malinis na 7-0 winning streak ng Ateneo Blue Eagles na luminis sa first round ng UAAP seniors basketball tournament?

Muling susubukan ng Far Eastern University Tamaraws na ginagabayan ni coach Bert Flores sa kanilang pagsagupa sa star-studded na team ni coach Norman Black. Una ng pinatumba ng Eagles ang Morayta-based dribblers noong Agosto 7 sa score na 69-49 na kung saan bumanat sina prized-rookie Kiefer Ravena ng 19 puntos at ang PBA-trained na si Greg Slaughter na naghari sa ilalim na humablot ng 11 boards at kumana ng 15 puntos.

Kasunod ng pagsasara ng Eagles sa 30-26 sa first half ay tuluyan na nilang niliparan ang Tamaraws tungo sa panalo. Magbubukas ang double-header sa pagitan ng National University Bulldogs at University of the East Warriors na kapwa naghahangad na makakuha ng panalo matapos na manatili sa ilalim ng 8-team composition.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply