Witness sa ERs switching naghain na ng affidavit sa DOJ

NATULOY na rin ngayon, Huwebes, ang paghahain ng affidavit sa Department of Justice (DOJ) ni dating Zambales provincial police director S/Supt. Rafael Santiago kaugnay sa ibinulgar nitong dayaan noong 2004 presidential elections dahil sa ballot switching.

Nakasaad sa naturang salaysay ang kanyang partisipasyon sa pagbabantay ng pekeng election returns at kung paano naganap ang break-in sa Batasang Pambansa.

Una rito, ipinakita muna ni Santiago ang isang mahabang Power Point presentation na naglalahad ng mas malinaw niyang salaysay.

Samantala, unang nakapaghain ng kanilang affidavit ang mga dating tauhan ni Santiago na sina PO2 Rodel Tabangin, PO2 Alan Layugan, PO2 Rudy Gahar, PO2 Tripon Lacsamana at PO1 Norman Duco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply