Xian Lim sinasakyan ang pagtitilam-tilam ni Vice Ganda!

MAY intrigang masyadong sinasakyan ni Xian Lim, ang pagkakaroon ng crush sa kanya ni Vice Ganda, to the point na may gamitan issue na diumano.

“Wala namang gamitan na nangyayari. As long as napapasaya namin ang mga tao, di ba? Tuwang-tuwa nga sila everytime they see us together. Talagang yung Twitter ko, overloaded na yun ng mga messages na they really show their love, yung happiness na nakukuha nila, talagang kinikilig sila,” paliwanag ni Xian nang makatsikahan namin sa presscon ng ” My Binondo Girl.”

“Yung isa nga, nakalagay, ‘Grabe pagod na pagod ako sa trabaho pero nakita ko kayong dalawa!’ Tawa daw siya ng tawa. Nakakawala daw ng pagod.

“So at least napasaya namin yung tao, so walang gamitan na nangyayari.”

Ang comment niya na willing umano si Vice na magpaloko sa kanya, na parang pag humingi siya ng kotse ay baka ibigay sa kanya?

“Hindi naman, joke lang yun, joke lang yun! I’m happy na we’re good friends, I’m really happy na nagkakakilala kami.”

What if umabot sa puntong hindi na joke?

“Uy hindi, joke lang yun.”

What if nga? Halimbawa, hindi si Vice, may ibang bading na seryosong mag-alok sa kanya ng kotse?

“You mean indecent proposal? Hindi pa ako nakaka-experience ng ganyan but if it does happen I would decline, of course, I would decline politely. I would not be rude about it, I would just tell him straight up na I’m not that kind of person.

“ I’m happy na… me and Vice are good friends. But more than that I don’t think, di ba, I don’t think anything will happen. We’re just happy,” aniya pa.

-0o0-

NAITANONG kay Steven Silva kung hindi ba siya nagtatampo na tila mas magaganda ang mga project na ibinibigay sa mga runners-up niya sa StarStruck na sina Enzo Pineda at Rocco Nacino. Si Steven ang Ultimate Male Survivor ng kanilang batch.

“Ay opo. Ah siyempre napansin ko na medyo iba yung treatment sa mga distribution ng projects pero I mean I’m still faithful to GMA, you know.

“I know siguro may kulang din sa akin so for me I still need to keep working hard kasi baka you know, the next project could be something big, so I need to be ready.”

Ang kulang na tinutukoy ni Steven ay ang kanyang kakulangan sa matatas na pagsasalita ng Tagalog.

“Oo siyempre, di ba, andito tayo sa Pilipinas so that’s a big kulang. If you cant speak the language. So I’m still learning naman and I think, you know, in time.”

Speaking of Enzo and Rocco, rarampa ang dalawa sa Cosmo Bash this September; si Steven ay hindi.

“Ang gusto ko sana next year maging centrefold ako so I want to prepare for that so parang this year huwag na lang, parang for next year talaga.”

Ready ba siya to bare?

“Ngayon hindi pa pero feeling ko next year. I’m going to the gym and I’m getting ready for that, kaya, kaya.”

Hindi pa nagpu-pose si Steven for a pictorial na naka-underwear. Kaya ba niya?

“If I’m ready. Pero pag sinabi kong ready, ready as in, my body and also my mind, you know, my mental state din. Kasi pag nag-pose ka ng ganyan parang mag-iiba ang tingin nila sa iyo.

“So I would have to think about it pero feeling ko if ever na darating ang point na sobrang ready na ang katawan ko, feeling ko, kaya, pati mental state, I think everything will come into place.”

Malapit ng mapanood ang guesting ni Steven (along with Diva, Enzo, Bianca King, Yassi Pressman and Aljur Abrenica sa finale episode ng Season 2 ng Mind Master, with host Dennis Trillo. Featured rin dito ang mentor ni Nomer Lasala na si David Elefant. Directed by Louie Ignacio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply