Young star nakatambay sa lobby ng five-star hotel

NAKITA namin kamakailan sa isang sikat na five-star hotel habang papunta kami sa isang presscon ang young star na sikat dati nakatambay sa loob nito sa Makati. Hindi namin alam kung sino ang hinihintay ng young star. Natapos na ang presscon na pinuntahan namin ng mahigit dalawang oras at palabas na kami ng hotel ay naroroon pa rin ang dating sikat na young star.

Sino kaya ang hinihintay niya roon? Sabi ng spy namin, lagi raw sa nasabing hotel ang young star na mataba na at hinihintay raw ang kanyang boyfriend? Hindi kaya naghahanap siya ng kliyente sa nasabing five-star hotel dahil sa ngayon ay talagang walang proyekto si young star na mataba? Marami kasi sa ngayon ang mga artistang pumapatol sa DOM para magkaroon ng mabilisang pera. Kung dati-rati kasi’y maraming proyekto ito ngayon ay timbog na.

Sino si young star na mataba na nakatambay sa isang five-star hotel sa Makati?

&&&&&&

ANG Thanakha International Corportion ay siyang awtorisadong distributor ng Shwe Pyi Nann’s Organic. Ang Thanakha product ay magkakaroon ulit ng Thanakha Calendar Girl Monthly search at ipakikilala sa Agosto 28 para sa Ms. June, July at August.

Ang siyam na kalahok ay sina Sharmaine Lizsil Garcia, Mary Aillen Romasanta, Krizza Paula Conception, Mara Aquino, Krisna Azarraga, Jinky Pintor, Jesselyn Violago, Angeline Todelo at Khat Duarte. Ang Thanakha Calendar Girl search ay nagsimula noong Enero. Ang mananalo sa kategoryang TCG sa Disyembre ay lalabas sa glossy Thanakha Calendar 2012 sa cover page at magiging model/endorsers ng nasabing kumpanya.

Ang mga nanalo na sa kanilang buwanan search ay sina Tricia Villanueva Ms. January, Katrina Gregorio Ms. February, Elsha Joy Soriano Ms. March, Honey Cruz Ms. April at si Ence Malatamban Ms. May. Para sa mga gustong sumali sa susunod na TCG pageant ay maaari kayong magsadya sa TIC main office sa 2F, L.L Building, Panay Avenue, corner Edsa Quezon City o kaya ay tumawag sa telepono sa 501-27-85. Ang website ng TIC ay www.organic-thanakha.com.

&&&&&&

ARAW-ARAW mapapanood ang Eat Bulaga sa Siyete. Ang patok na portion nila ay ang Juan For All, All for Juan sugod bahay na hatid sa inyo ng Coke, Puregold, Vaseline, Hanabishi at Tiger Biscuit. Maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number noontime show dahil katakut-takot na pera ang ipinamimigay sa mga kababayan natin. Kitang-kita naman ang tuwa ng mga contestant kapag nananalo sila. Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga para tuluy-tuloy ang hatid saya nito sa mga kababayan natin mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7.

&&&&&

“Show Up” ( Ang bagong game show ng bayan) ang bagong kaaabangan ng bayan simula sa Setyembre 3 sa ganap na alas 9:00 hanggang alas 11:00 ng umaga. Mga hosts nito ay sina Mico Aytona, Boobay at Chabelita mapapanood n’yo sa Global Destiny Cable channel 5. Ang mga bagong pasisikatin na young star show up ay ang Starcade members na sina Samantha Page, Randel Panganiban, Keith Delleva, Keirulf Raboy at Jessica Reynoso.

Ang nasabing show ay nagbibigay ng pera sa mga manonod sa kanilang mga portions. Isa rito ay ang may pinakamagandang gawang banner ng Show Up na magkakamit ng malaking papremyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply