Zambales Rep. Diaz pumanaw na

SUMAKABILANG-BUHAY na si Rep. Antonio Diaz, 84, ng ikalawang distrito ng Zambales makaraang atakihin sa puso kaninang madaling-araw (Miyerkules, Agosto 3).

Ayon kay House Majority Floor Leader Neptali Gonzales Jr., naisugod pa sa St. Luke’s Medical Center ang mambabatas ngunit hindi na ito naka-recover.

Nakatakdang dalhin bukas sa gusali ng Kamara de Representantes ang labi ni Diaz bilang pagpupugay at pagbibigay parangal sa mambabatas.

Ilalagak ang kanyang labi ng Zambales solon sa Green Meadows, Quezon City.

Si Diaz ang chairman ng House committee on inter-parliamentary relations and diplomacy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply