Zubiri handang humarap sa 2007 poll probe

NAKAHANDANG dumalo si resigned-senator Migz Zubiri sakaling tawagin siya ng binuong committee ng DOJ at COMELEC para imbestigahan ang dayaan sa 2007 national elections.

Ayon kay Sen. Zubiri, wala siyang alam kung sino ang nagmaniobra sa dayaan na naganap. Ang kanyang puwede umanong masabi ay ang natuklasan na dagdag-bawas at mga pekeng balota sa Metro Manila na pumabor sa mga kandidato ng oposisyon.

“What I will share with the DOJ is the evidence found in Metro Manila of vote shaving and fake ballots in favor of the… opposition,” ayon kay Zubiri.

Ipinahayag din na senador na magiging aktibo siya sa kanyang mga adbokasiya kahit hindi na siya senador.

Habang nasa Negros Occidental, nag-offer pa ito ng kanyang serbisyo bilang consultant sa sugar industry na may sahod na piso kada taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply