Zubiri pinagtatrabaho pa rin ni Miriam

PINAYUHAN ni Senadora Miriam Defensor Santiago si resigned senator Juan Miguel Zubiri na bumalik sa trabaho at ipagpatuloy na ang pagrereport sa Senado.

Binigyang-diin ng senadora na kahit nagbitiw si Zubiri ay wala pang awtoridad na tumatanggap sa kanyang pagbibitiw.

Ani santiago, maituturing na courtesy resignation lang ang ginawa ni Zubiri at hindi pa ito tinatanggap ng Senado.

Kapag hindi nagtrabaho si Zubiri, sinabi ni Santiago na maituturing ito na “abandonment of office.” sa ilalim ng revised penal code ay may katapat na parusang isang buwan hanggang anim na buwang pagkakabilanggo.

Ayon kay Santiago, ang isang resignation ay hindi ganap na  kumpleto hanggang hindi tinatanggap at batay ito sa Supreme Court ruling sa kasong Jose vs Narito.

Para makumpleto ang resignation ni Zubiri, kailangan daw tanggapin ng Senado at ang Senado, magpapadala kay zubiri ng notice of acceptance sa pagbibitiw nito.

Ayon kay Santiago, kapag nagbobotohan ang Senado kung tatanggapin ang resignation ni Zubiri, “No” ang kanyang boto dahil dapat hintayin ni Zubiri ang desisyon ng Senate electoral tribunal.

Absent si Santiago noong Miyerkules, Agosto 3 nang nagbitiw si Zubiri kaya absent din si Santiago sa caucus ng mga senador.

Sa caucus, sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto, ang consensus ay walang aksyon ang Senado sa resignation ni Zubiri dahil wala sila sa order na tanggapin o tanggihan ang resignation kaya ang ministerial ay impormahan ang SET na nagbitiw na Zubiri.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply