‘Grand linis’ sa Malabon tagumpay

PINANGUNAHAN ni Vice Mayor Lenlen Oreta ang isinagawang synchronized ‘Grand Linis’ kahapon sa 21 barangay ng lungsod ng Malabon.

Ang ‘Grand Linis’ ay ‘pet’ project ng butihing pangalawang alkalde, kilalang advocate  at  mapagmahal sa  kalikasan.

Nagmistulang ‘reunion’ ng nasabing ‘clean up’ drive dahil nagkita-kita ang mga city official, brgy leader at residente.

Dala ang iba’t ibang gamit-panlinis, sama-samang inalis ang mga bara sa mga kanal at winalis ang dumi sa mga kalye.

Hangarin ng proyekto na isulong ang kalinisan para maiwasan ang dulot na mga sakit na maaring dumapo sa taumbayan.

Maliit man itong proyekto kung ituring, ngunit sa mata ni Vice Mayor Oreta, nakatutulong ito sa pagpapalawig ng kalikasan.

Kudos kay Vice mayor, mga brgy. captain, opisyal at kawani ng Malabon City at maging sa iba pang sumali sa proyektong ito.

KAGAWAD NA VICE LORD SA QC

Lintik din naman ang diskarte ng isang kagawad sa Barangay Baesa sa lungsod ni Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista.

Kung umasta raw kasi si Kag. Amang Santos, akala mo’y siya ang hari sa kanilang lugar sa Mendez Street, QC.

Bakit kan’yo? Aba’y kahit mga pulis, umuurong o umaayaw na lusubin ang palarong sakla ni kagawad sa mga patay.

Bukod pala sa kanyang mga pasakla, nagkalat din ang video karera machines ni kagawad sa matataong lugar sa Mendez St.

Ipinagmalalaki raw ni kagawad ang isang nagngangalang ‘Col. Feliciano’ kaya takot ang pangkaraniwang pulis na salingin ang kanyang iligal na negosyo.

Bukod kay Col. Feliciano, isang nagngangalang ‘Col. Sermonia’ ng Criminal Investigation and Dectection Group ang kanyang ipinansasanggalang para ‘di hulihin ang kanyang sakla at mga vk machine.

Pero pakiwari natin, ginagamit lang ni Kag. Santos ang pangalan nina Col. Feliciano at Col. Sermonia.

Dapat ay kumilos sina Col. Feliciano at Col. Sermonia – hulihin ang mga iligal ni Kag. Santos para mahinto ang kanyang kahibangan.

GREETINGS

Binabati ni Marcy Bonifacio ng Malabon City Hall ang kanyang anak na si Mark Joseph Bonifacio na pumasa sa nursing board exam noong July 2011 at magdiriwang ng kaarawan sa Sept. 13. Happy birthday.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply