‘Hao-siao’ sa BOC lilipulin ni Biazon

LILIPULIN ni bagong Customs Commissioner Ruffy Biazon ang mga ‘hao-siao’ o pekeng mamamahayag na nagbibigay ng proteksyon para makalusot ang mga kontrabando ng mga smuggler.

Kasabay nito, nanawagan si Biazon sa mga lehitimong media practitioner na tumulong sa kanyang kampanya para mapuksa ang mga tiwaling mamamahayag na protektor ng smuggling.

Ani Biazon, umani ng iba’t ibang reaksyon ang tweet (Twitter) niya kahapon (Setyembre 16) na karamihan ay sumasang-ayon o naniniwalang dapat nang wakasan ang tunay na tinik sa Bureau of Customs .

Sa tulong aniya ng mga tunay na miyembnro ng Fourth Estate, umaasa si Biazon na mawawalis niya agad ang mga ‘hao-siao,’ o kumbaga sa itlog ay madali ng malaman kung ito ay bulok na o hindi.

Tiniyak naman ni Biazon na hindi siya magpapaapekto sa mga masasagasaang mamamahayag kahit pa siya ay bantaang babanatan sa mga kolum sa mga weekly tabloids sa BOC.

Ang laban umano sa smuggling ay malawak na kampanya at kasama ritong hahabulin ay ang mga tiwaling opisyal ng BOC, tiwaling negosyante at tiwaling journalists.

“It’s a fight against corrupt BOC officials, against corrupt businessmen and against corrupt journalists. That’s why I’m calling the help of legitimate media practitioners,” ani Biazon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply