‘Kampanya kontra boga’ patuloy na pinaiigting

PATULOY na pinaiigting ng  Philippine National Police (PNP)  ang operasyon kontra boga at umabot sa 19 loose firearms ang  nakumpiska sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Batangas.

Base sa ulat na isinumite ni Batangas Police Provincial Director S/Supt. Rosauro Acio kay Batangas Governor ng Batangas at kay PCSupt. Gil Meneses, Regional Director ng Police Regional Office Calabarzon, ang mga nakumpiskang baril ay kinabibilangan ng isang unit na Elisco baby armalite riffle, 9 na units ng caliber .45 pistols, 5 units na 9mm pistols, dalawang units na caliber .357 revolvers at dalawang units na caliber .22 pistols.

Batay sa ulat sa kampanya “Kontra Boga,” karamihan sa mga baril na nakumpiska ay sa pamamagitan ng search warrant habang ang iba ay nakumpiska sa mga taong mahilig magdala ng baril sa mga checkpoints, engkwentro at sa mga sumbong ng taong bayan.

Ang nasabing kampanya ayon pa sa ulat ay suportado ng mga local government units (LGUs) ng Batangas ganoon din ang provincial government na pinangungunahan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto partikular ang kanyang HEARTS Program.

Batay kay Acio, ang operasyon at kampanya kontra boga ay napapanahon dahil sa tumataas na shooting incident sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Batangas sa nakalipas na anim na buwan sa taong kasalukuyan bukod sa kanya laban sa motorcycle riding-in tandem, gun for hire at robbery. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply