‘Name dropping’ sa BOC hindi uubra kay Biazon

NAGBABALA ngayon (Setyembre 24) si Bureau of Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon sa publiko na huwag makipag-ugnayan sa mga indibidwal na nagpapakilalang kamag-anak at kabigan niya para lamang makapag-impluwensiya sa mga opisyal ng ahensiya.

Sa kanyang kauna-unahang Customs Memorandum Order (CMO) na ipinalabas para sa lahat, inatasan ni Biazon ang lahat ng Customs personnel na huwag magbigay ng special treatment sa mga kargamento o kahit na anong dokumentong ipinoproseso ng isang tao o kumpanya na nagpapakilalang may relasyon o kamag-anak niya.

“I encourage everyone to report to my office any transaction/shipment where my name or that of any member of my family or friends is being name-dropped so that appropriate sanctions could be instituted,”  pahayag ni Biazon.

Sa kanyang 9 C’s management agenda para sa BOC, iginiit ni Biazon ang pagbabago sa kanyang liderato tulad ng mga closing loopholes, continuity, consultation, computerization, cooperation, clamp down, cheer leader at collection.

Ayon kay Biazon, para mabawi ng ahensya ang integridad bilag pangalawang pinakamalaking revenue-generating agency, pagbabago ang kailangang ikasa.

“To achieve this recovery, we must embark on initiatives that require not just institutional change but personal change as well,” giit ni Biazon.

Para maipakita ang pagbabago, magkakasa ang ahensiya ng training programs, at workshops para masipat ng mga BOC employees view kung paano ipatupad ang kanilang trabaho sa pagkileta ng pera para sa kanilang bulsa sa pagkolekta naman ng revenues para sa gobyerno at sa sense of personalism to patriotism.

Nangako rin si Biazon sa tatapusin ang loopholes na nagresulta sa pagkawala ng bilyong piso sa revenue para sa gobeyerno sa ilalim ng bagong sistema sa ahensya.

Pero kahit may panawagan siyang baguhih ang sistema sa ahensya, ipagpapatuloy naman ni Biazon ang mga programa ng kanyang pinalitang commissioner na epektibo at produktibo sa gobyerno. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply