‘Onyok’ papasok sa bansa ngayong gabi

INAASAHANG papasok na sa area of responsibility ng bansa ang bagyong “Onyok” ngayong araw, Setyembre 11.

Ayon sa panayam sa radio ni government weather forecaster Nelson Dianela, bagama’t papasok sa area of responsbility ng bansa ang bagyo, hindi naman inaasahan ang pagtama nito sa kalupaan.

Sa halip, inaasahan umanong paiigtingin nito ang epekto ng habagat na siyang magdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila.

“Hindi natin inaasahan magla-landfall sa Pilipinas pero makakaapekto sa atin ang ulan na posibleng paiigtingin nito,” ayon sa opisyal.

Tinataya namang tatahakin ng nasabing sama ng panahon ang direksyon patungong Taiwan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply