‘Pedring’ nananalasa sa Isabela, Aurora

PATULOY na kumikilos sa lalawigan ng Isabela at Aurora ang bagyong “Pedring” habang napanatili nito ang lakas patungong Silangang Hilagang ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso nasa 140 kilometers per hour (kph).

Kumikilos ang bagyo sa direksiyong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras.

Bukas ng umaga (Setyembre 27), ang bagyo ay inaasahang nasa 180 kilometro hilagang silangan ng Baler, Aurora samantalang sa Miyerkules ng umaga naman ay tinatayang nasa 110 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Nasa signal number 2 ang Isabela, Aurora, Catanduanes, Polillo Island, Camarines Norte at Camarines Sur.

Signal number 1 naman ang mga lalawigan ng Albay,Burias Island, Sorsogon, Quezon, Quirino, Ifugao, Nueva Vizcaya, Mt. Province, Kalinga at Cagayan.

Pinag-iingat ng pamahalaang ang publiko lalo na sa mamamayan na naninirahan malapit sa landslide- prone area. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply