‘Pedring’ palabas na; ‘Quiel’ papasok naman

INAASAHANG papalabas na ng bansa ang bagyong Pedring patungong China mamayang hapon, Setyembre 28 habang inaabangan naman ang pagpasok ng panibagong bagyong ‘Nalgae’ at tatawagin sa bansa na Quiel.

Napanatili ng Bagyong Pedring ang lakas nito habang kumikilos ng pa-Kanluran, Hilagang-Kanluran.

Huling namataan ang bagyo sa layong 300 kilometro sa Hilagang-Kanluran ng Baguio City.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo ng pa-Kanluran, Hilagang Kanluran sa bilis na 19 na kilometro kada oras.

samantala, binabantayan din ng Philippine Atmospheric, Geophtsical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang tropical storm ‘Nalgae’ na nasa labas pa ng PAR sa layong 1,400 kilometers sa Silangan ng Northern Luzon.

Inaasahang papasok ito sa bansa sa loob ng 24 oras bilang isang bagyo ang Quiel.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply