‘Pedring’ papasok mamayang gabi sa PAR

INAASAHANG papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi, Setyembre 24, ang tropical depression na si Pedring na nasa Silangan ng Kabisayaan.

Batay sa panayam ng dzMM kay Connie Rose Dadivas, Weather Forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mahina pa lang sa ngayon ang nasabing tropical depression pero posibleng lumakas at maging tropical storm.

Samantala, batay naman sa ulat ng BomboRadyo, lumihis ng direksyon ang bagyo at hindi na tatama sa kalupaan ng Batanes, bagkus ito ay didiretso na sa Silangang bahagi ng Taiwan. .

Nilinaw naman ni Dadivas na hindi dulot ng nasabing bagyo ang mga nararanasang pag-ulan lalo na sa Metro Manila kundi bunsod ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply