‘Saving A River, Securing Livelihoods’ inilunsad

INILUNSAD ang “Saving A River, Securing Livelihoods,” isang libro na nagdodokumento sa kumpletong adhikain na mapanumbalik ang ganda at kalinisan ng Las Piñas-Zapote Rivers sa pamamagitan ng Sagip Ilog Project at makalikha ng mga pangkabuhayan mula sa mga basurang itinatapon at makatulong sa kabuhayan ng mga residente.

Dinaluhan ng mga kilalang personalidad mula sa pulitika, showbiz, mga guro at mag-aaral ang pormal na paglulunsad ng 97-pahinang libro nitong Agosto 29, 2011 sa Fully Booked bookstore sa The Fort Taguig City bagama’t naging maulan ang maghapon.

Pinangunahan ito ni dating Las Piñas Representative Cynthia A. Villar, Villar Foundation (VF) Managing Director at ang may-akda nito na si Ms. Joyce Crisanto, nagtapos ng magna cum laude sa University of the Philippines (UP), Bachelor of Arts, major in Political Science.

Sa pamamagitan ng VF, isang non-stock, non-profit organization, nakapagbukas ito ng maraming oportunidad ng pangkabuhayan mula sa river rehabilitation program.

Kabilang sa livelihood dito ay ang paggawa ng mga basket, tsinelas, palamuti at iba pang produkto mula sa water lilies, handloom blanket weaving, coconut coir, peat enterprise at composter, vermi culture na ginagawang organic fertilizer mula sa mga basura at ang lantern making.

“Maraming matututunan ang mga mambabasa sa aklat na ito dahil mayroon din itong pagdedetalye kung paano ginagawa ang ilang proyektong pangkabuhayan ng Villar Foundation,” ayon kay Mrs. Villar.

Sa ngayon aniya, marami na sa kaniyang mga kababayan sa lungsod ang nakapagsimula na ng disenteng pamumuhay dahil sa livelihoods ng VF.

Ayon kay Crisanto, nakapaloob sa libro ang mga pamamaraan na sinikap na simulan ng VF para sa rehabilitasyon ng naturang ilog.

Layunin din aniya ng libro na magbigay ng edukasyon at himukin ang mga tao na maging masigasig sa pangangalaga ng kalikasan.

“So the book, in a way, it’s a documentation, it provides information, some anecdotes, some directions how to do composting, how to do the cleaning, but all of which the objective is to move our readers, to take more actions, to be more proactive when it comes to environmental issues. We want to tell them that even you are not a public servant, not a philanthropist, you have to do something even if only to push their local leaders in doing something for the environment,” dagdag pa ni Crisanto.

Iginawad ng United Nations sa Sagip Ilog Project ang “Best Water Management Practices” kamakailan. Nakuha naman nito ang First International Award noong 2006 bilang “Best Practice for it’s Outstanding Contributions Towards Improving the Living Environment” ng United Nations Humans Settlement Programme at ng Dubai International Award. Nakatanggap din ito ng parangal mula sa “Oikos Foundation of Switzerland 2009 Social Entrepreneurship Track for Livelihood Development Program Using Wastes From the River” at ang “International Green Apple Award 2009 For Best Practice.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply