1-day SOMO sa NPA paiiralin ng AFP

PANSAMANTALANG ititigil ng militar ang opensiba laban sa New People’s Army (NPA) sa loob ng isang araw.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Information Office (AFP-PIO) Chief, Colonel Arnulfo Burgos, ang isang araw na unilateral suspension of military operations (SOMO) sa NPA ay bilang pagtalima sa deklarasyon ng United Nations (UN) na International Peace Day ang Setyembre 21.

Sa ilalim ng SOMO, hindi gagawa ng anumang opensiba ang militar bagama’t mananatili itong handa sa pagdepensa.

Nilinaw naman ni Burgos na hindi kasama sa SOMO ang Abu Sayyaf Group (ASG) at ang iba pang armadong grupo na itinuturing na terorista.

Sisimulan ang suspensyon ng militar 12:00 ng madaling-araw mamaya at nakatakdang magtapos hanggang hatinggabi bukas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply