1 patay, 17 sugatan sa road accident sa Albay

UTAS ang isa habang nasugatan naman ang 17 katao sa naganap na aksidente sa lansangan sa lungsod ng Ligao sa lalawigan ng Albay kaninang umaga.

Base sa ulat, namatay agad ang isa sa mga pasahero na nakilalang si Martina Mostera ng Barangay Bacong, Ligao City at malubhang nasugatan naman ang iba pang lulan ng pampasaherong dyip.

Ang dyip ay nabatid na papunta sana sa Ligao mula sa katabing bayan ng Pio Duran ngunit pagsapit sa Barangay Cullat ay nawalan ng preno at naganap ang aksidente.

Agad namang naisugod ang mga biktima sa pagamutan.

Mabilis rin na tumugon ang operator ng sasakyan at nagtungo sa ospital upang akuin ang mga pangangailangan ng mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply