1 patay, 35 nasa ospital dahil sa food poisoning

NAMATAY ang isa at 35 iba pa ang na ospital matapos malason sa Davao del Sur.

Nauwi sa trahedya ang pamamamanhikan ng pamilya ni Lyndon Gabito sa bahay ng kasintahang si Gina Campus sa bayan ng Malalag.

Makalipas ang ilang oras matapos kainin ang mga pagkaing dala ng pamilya Gabito ay nananakit na ang tiyan ng 35 miyembro ng pamilya Campus na kaagad isinugod sa dalawang ospital.

Binawian ng buhay ang lolo ng babae na si Serapio Campus, Sr. na sinasabing maraming nakaing pagkain na may lason.

Kinumpirma naman ng mga doktor sa Pineda Aquino General Hospital na nalason ang mga biktima base na rin sa resulta ng stool examination.

Inaalam pa kung may nalason din mula sa pamilya nang namanhikan. Sa kabila ng insidente, tiniyak ng ama ng babae na tuloy ang kasal. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply