7 sasakyan nagkarambola:1 patay, maraming sugatan

ISA ang iniulat na patay habang marami ang nasugatan matapos magkarambola ang pitong sasakyan sa Lawton sa lungsod ng Maynila, umaga ng Miyerkules, Setyembre 21.

Nawalan umano ng kontrol ang isang pampasaherong bus na may plakang PWG-638 at binangga nito ang isang jeep kung saan nagkaroon na ng domino effect, ayon sa Metro Manila Development Authority.

Umabot sa pitong sasakyan ang nangasira kabilang dito ang tatlong bus, dalawang dyip, isang FX at isang AUV.

Kinukumpirma pa ngayon kung ang namatay sa aksidente ay tumatawid lamang at hindi nakasakay sa mga sasakyang nagkarambola.

Isinugod naman ang mga sugatan sa mga ospital na malapit sa pinangyarihan. Tatlo sa mga ito ay dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Nagdulot ng matinding trapik ang naturang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply