1 patay sa sunog

ISA ang iniulat na namatay sa naganap na sunog sa Sitio Linjo sa Barangay San Antonio, Paranaque City kaninang madaling araw.

Batay paunang ulat ni Col. Manuel Manuel, district fire director ng lungsod, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang ideklara nilang fire out na ang naturang sunog.

Ayon kay Manuel, inatake sa puso ang biktima habang tumatakbo mula sa mismong fire site na isang depressed area.

Ipinabatid pa ni Manuel na batay sa pakikipag-usap nila sa kapitbahay ng nasunog na bahay mayroong nakasaksak na appliance sa loob ng isang kuwarto rito.

Iniimbestigahan na aniya nila ang naturang sunog kasabay ang patuloy na mopping operations nila.

Inaalam pa ng arson investigator ang pinsalang dinulot ng sunog pati na pangalan ng biktimang inatake sa puso. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply