1 sa 3 nangholdap sa security agency sa Cavite nahuli na

ARESTADO na ang isa sa tatlong suspek matapos na holdapin ng mga ito ang isang security agency sa Silang, Cavite kahapon (Sabado, Setyembre 3).

Ayon kay Cavite Provincial Director P/ Supt. John Bulalacao, nagtangka pa sanang tumakas ang suspek na kinilalang si Edison Sibal, subalit nahuli rin na nagtatago sa gilid ng gusali

Sa ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang dalawang kasama ni Sibal.

Nabatid na alas-4:30 ng hapon kahapon ng pasukin ng mga suspek ang naturang agency.

Ipinagtataka ng pulis sa Cavite kung paano silang nataksan ng kasama ni Sibal.

Nabatid sa report, apat na lalaki ang nang-hostage sa tauhan ng Batingal Security Agency, na armado ng mga baril.

Ayon kay Bulalacao, hinalughog ng mga pulis ang kapaligiran ng gusali pero nagtataka sila kung bakit wala ang tatlong suspek sa loob ng security agency sa kabila ng pahayag ng empleyado ng security agency na na-hostage sila ng mga suspek na nagtatago sa kisame.

Sa paghahalughog, isa lamang sa tatlo ang nahuli (Sibal) na sumasailalim na sa interogasyon para madakip ang mga kasamahan nito.

Wala namang napaulat na sugatan o namatay sa insidente.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply