1-UTAK dismayado sa bagong LTFRB chief

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang sektor ng transportasyon sa pagkakatalaga bilang bagong pinuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na si dating Camarines Sur Rep. Jaime Jacob kapalit ng nagbitiw na si Nelson Laluces.

Sinabi ni Orlando Marquez, tagapagsalita ng 1-UTAK, hindi bihasa sa usapin ng transportasyon ni Jacob kaya hindi ito nababagay sa LTFRB.

Sa panig naman ni Efren de Luna ng PCDO-ACTO, sinabi nitong malabong daan ang kanilang tatahakin dahil tiyak na panibago at mabagal na proseso ang ipatutupad ng ahensiya.

Kailangan umanong pag-aralan muli ni Jacob ang takbo ng LTFRB dahil hindi nito kabisado ang kalakaran sa panibagong hawak na posisyon.

Si Atty. Jacob ay dating nanungkulan bilang commissioner ng Presidential Anti-Graft Commission at dating chairman ng Philippine National Railways.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply