1-UTAK umalma sa listahan ng ‘killer bus’

UMALMA ang transport group 1-UTAK ngayong Lunes sa ipinalabas na listahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board hinggil sa top 10 local bus companies na may pinakamaraming bilang ng aksidente sa kalsada.

Sinabi ni 1-UTAK representative Atty. Vigor Mendoza na ang mga opsiyal na nagpalabas ng listahan ay maaring may pananagutang kriminal at administratibo.

Kailangan pa aniyang tanungin nila ang mga bus companies kung magsasampa ng kaukulang kaso.

Sinabi  ng transport group na ang mensahe ay nagdulot ng “chilling effect” sa lahat ng bus operators.

Sinabi ni Mendoza na ang naturang listahan ay hindi dapat ginamit para suwetuhin ang mga bus operators dahil hindi naman ito accurate.

Aniya, limang porsiyento lamang ng road accidents ang sanhi ng mg pampasaherong bus habang ang nangunguna ay motorsiklo at private cars.

Ang mga bus companies aniya na may bigger fleets ay may malaking tsansang masangkot sa aksidente pero hindi naman sinasabi kung sino ang may tunay na may kasalanan sa bawat aksidente.

Nitong nakaraang Biyernes lamang, nagpalas ang LTFRB ng mga listahan ng mga bus companies na may pinakamaraming bilang ng road accidents na may namatay, nasaktan at danyos sa ari-arian.

Una sa listahan ay ang Nova Auto Transport, ang bus company na sangkot sa pagpatay kay University of the Philippines professor Chit Estella-Simbulan, na may 16 aksidente mula  Enero 2010 hanggang Setyembre 2011 at may tatlong kaso na may namatay.

Sinundan ito ng Valisno Express na may 14 aksidente, kasunod ay ang  Rainbow Express na may walo at Admiral Transport na may pito.

Ayon sa LTFRB, magkakasa sila ng imbestigasyon sa mga nabanggit na bus companies at hihingan ng paliwanag kung balit madalas silang masangkot sa aksidente.

Nahaharap ang mga bus companies ng posibleng pagkansela ng kanilang prangkisa kung hindi nila maipapaliwanag ng maigi ang kanilang panig sa nasabing usapin. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply