10,000 medical jobs na bakante sa Saudi pinabulaanan

MARIING pinabulaanan ngayon ni Labor Secretary Rosalinda Baldos ang napabalita na may 10, 000 medical jobs na bakante Saudi Arabia.

Binigyan linaw ni Baldos na 1,000 medical jobs lang ang bakante sa Saudi Arabia at hindi 10,000.

Ayon kay Baldos, karamihan sa mga ito ay pagpipilian lang o magiging man power resource sa ilang panahon bago tuluyang ma-hire.

Pero nilinaw naman ni Baldos na bagama’t nasa website ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang LBS Recruitment Solution ay ido-double check pa rin ng kanyang ahensya ang nasabing job openings para makasigurado ang taumbayan

Magugunita na nasa website ng POEA ang anunsyong “10,000 nurses, medical health workers in demand in Saudi Arabia.” Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply